Hindi masyado mabigat at marami ang naitalang casualties dala ng shearline sa Northern Mindanao, lalo na sa Misamis Oriental.
Ito ang inihayag ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. sa harap ng paniniwalang natugunan naman ng immediate concern.
Ayon sa Pangulo, kung titignan ang kabuuan lalo na at ito ay malawakang pagbaha at hindi nakapaghanda ang lahat, maliit na numero lamang ang naitalang casualty.
Nakikitang dahilan nito ay ang aniyang suporta ng lokal na pamahalaan at mga ahensya ng gobyerno sa mga evacuees at sa mga taong nakikiramdam pa ng sitwasyon sa kanilang binahang lugar.
Batay sa ulat ng lokal na pamahalaan ng Gingoog , 2 ang nasawi, at 7 ang nasugatan.
Sa kabuuan, naitala ang 20 taong nasawi kabilang na ang 8 sa Oroquieta City, Misamis Occidental.