Huminto na sa pagbili ng krudo ng Russia ang Shell company kasunod ng pananakop nito sa Ukraine.
Ayon sa Shell Company, kanilang aalisin ang pagkakasangkot nito sa lahat ng Hydrocarbon ng Russia mula sa langis hanggang sa natural gas sa Ukraine.
Ito ay kasunod narin ng pagtaas sa mahigit $139 mula sa dating $125 ang bawat bariles ng krudo sa International market.
Sa ngayon possible pang pumalo sa $185 hanggang $200 ang presyo ng krudo kung ipatutupad ang ban na maaaring magresulta ng global economic crisis at recession. —sa panulat ni Angelica Doctolero