Inanunsyo na ng Shell Philippines ang ipatutupad nilang rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo epektibo alas-12:01 araw na ng Martes.
Kuwarenta’y singko sentimos (P0.45) ang bawas sa kada litro ng diesel at gasolina samantalang P1.00 naman sa kada litro ng kerosene.
Ito na ang ikawalong rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo ngayong taon.
Inaasahang magsusunuran nang mag-anunsyo anumang oras ang iba pang kumpanya ng langis.
By Len Aguirre