Nagpatupad ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR ng shellfish ban sa 14 na lalawigan.
Ayon kay BFAR Director Atty. Asis Perez, kabilang sa mga baybaying dagat na nagpositibo sa red tide toxins ang Gigantes Islands sa Carles, Iloilo; Balite Bay sa Mati, Davao Oriental; baybaying dagat ng bayan ng Dauis sa Bohol; Milagros Masbate; Daram Island sa Daram; Irong-Irong Bay; Cambatutay Bay sa Western Samar; Carigara Bay sa Leyte; coastal water ng Pilar at Sapian Bay sa Capiz; coastal water area Altavas, Batan at New Washington sa Batan Bay, Aklan; at coastal water ng Naval Biliran Island Province.
Sinabi ng BFAR na mahigpit na ipagbabawal ang pagbebenta ng alamang sa mga pamilihan na mula sa mga apektadong lalawigan.
Kasabay nito, nanawagan si Perez sa mga lokal na pamahalaan ng mga nabanggit na lalawigan na tulungan silang maipalaganap ang impormasyon na ipinagbabawal ang mag-ani, magbenta at kumain ng mga shellfish gaya ng tahong, talaba, tulya, at mga kaugnay na shellfish.
Habang ang mga isda, pusit, hipon, alimasag at alimango ay maaaring kainin pero kailangang malinis at malutong maigi.
By Meann Tanbio | Monchet Laranio