Itinaas ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR ang shellfish ban sa dalawang baybaying dagat at mga katubigan sa mga probinsya ng Leyte, Samar at Biliran.
Ito’y dahil sa presensya ng nakalalasong red tide sa mga baybayin sa naturang rehiyon sa pamamagitan ng laboratory analysis.
Bunsod nito, ipinagbabawal ang pangunguha, pagbebenta, at pagkain ng shellfish mula sa mga naturang probinsiya.
Kabilang sa mga nagpositibo sa red tide ang Cambatutay Bay sa Samar; Carigara bay sa Leyte; Naval, Caibiran, Culaba, Kawayan, at Cabucgayan sa Biliran; at Daram at Villareal sa Samar Province.
By Jelbert Perdez