Nakataas ang shellfish ban sa mga karagatang sakop ng Bataan.
Batay sa Advisory No. 61 ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), ang samples na nakolekta mula sa 5 bayan sa lalawigan ay positibo sa red tide toxin na umano’y nagdulot ng paralytic shellfish poisoning.
Sakop ng shellfish ban ang Hermosa, Orani, Samal, Abucay, Balanga City, Pilar, Orion, Limay, at Mariveles.
Dahil dito, ibinabala ng BFAR na lahat ng uri ng shellfish at alamang na hinango mula sa mga nasabing lugar ay hindi ligtas kainin.
Maaari naman umanong kainin ang mga isda ngunit tiyakin lamang na sariwa ito, nahugasan at naalis ang mga hasang bago lutuin.