Pormal nang pinasinayaan ng Pamahalaang Lungsod ng Marikina ang kanilang taunang ‘Sapatos Festival’ .
Ayon kay Marikina Mayor Marcelino Teodoro, layunin nito na ipagmalaki sa buong bansa at sa buong mundo ang kanilang industriya ng pagsasapatos.
Aabot sa halos 50 gumagawa ng sapatos at mga leather manufacturers ang nakilahok sa nasabing okasyon para sa taong ito.
Binigyang diin pa ni Teodoro, hindi lang aniya industriya ang pagsasapatos sa Pilipinas kung hindi bahagi na ito ng kasaysayan ng bansa.
Kaugnay nito, isang shoe bazaar din ang binuksan sa Freedom Park sa likod lang ng city hall kung saan, makikita ang mga kilalang magsasapatos ng lungsod .
Doon makabibili ng mura at dekalidad na mga sapatos at iba pang leather products tulad ng mga bag, wallet at iba pa.
Tatagal ang Marikina Shoe Festival hanggang sa ika-29 ng Disyembre ng taong kasalukuyan.