Nagpalabas ng shoot on site order si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga teroristang nagpaplanong manggulo sa Palawan at sa iba pang bahagi ng bansa.
Kasunod ito ng inilabas na travel advisory ng Amerika, United Kingdom at Canada na nagbabawal sa kanilang mga mamamayan na magtungo sa ilang mga lugar sa bansa dahil sa banta ng terorismo.
Sa departure speech ng Pangulo bago ang kanyang biyahe sa Cambodia, sinabi nito na dapat na hindi na payagang mabuhay pa ang naturang mga terorista dahil idinudulot nitong takot at panganib sa kaayusan at kapayapaan ng bansa.
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte