Nangatwiran ang Malakanyang sa “shoot on sight” order na ipinalabas ni Pangulong Rodrigo Duterte laban kay Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa Sr. At anak na si Kerwin.
Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na mayroong pinagbatayan ang direktiba ng pangulo lalo na kapag nalalagay sa peligro ang buhay ng mga otoridad, alinsunod sa police rules of engagement on suspected criminals.
Binigyang-diin ni Abella na malinaw ang sinabi ng Pangulo na kapag lumaban sa mga otoridad ang isang inaaresto, hindi naman hahayaang maunahan sila ng suspect.
Bukod sa mag-amang Espinosa, mayroon ding standing order ang presidente na shoot-to-kill order laban sa druglord na si Peter Lim at sa iba pang druglords sa ibang bansa.
By: Meann Tanbio / (Reporter No. 23) Aileen Taliping