Dumipensa ang Malakaniyang sa ipinalabas na shoot to kill order ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa mga pulitikong sangkot sa iligal na droga
Ayon kay Presidential spokesman Ernie Abella, naaayon sa polisiya na panatilihin ang peace and order sa bansa ang naging pahayag na ito ng Pangulo
Paulit-ulit na sinasabi ng Pangulo na ang droga ang ugat ng maraming problema sa bansa kaya’t kaniyang haharapin, wawalisin at dudurugin ang lahat ng mga magtatangkang humadlang dito
Isinaalang-alang din ng Pangulo ang panganib na naka-amba sa mga umaarestong opisyal kaya’t inilabas na shoot to kill order kapag nanlaban ang mga sangkot sa droga
By: Jaymark Dagala / ( Reporter No. 23) Aileen Taliping