Dinepensahan ni National Security Adviser Hermogenes Esperon ang utos ng punong ehekutibo na patayin ang mga armadong rebelde sa bansa.
Sa isang pahayag, sinabi ni Esperon na kung makikita ng ating tropa ang mga kanilang mga kalaban na armado ang mga ito, dapat na aniya itong barilin dahil baka maunahan pa ang ating mga tropa.
Giit pa ni Esperson na ang utos na ‘shoot-to-kill’ ng pangulo ay malinaw na para lamang sa mga makakaliwang grupo gaya ng New People’s Army.