Nagpahayag ng takot ang human rights group na Bayan – Eastern Visayas sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na shoot – to – kill order sa sinumang armadong miyembro ng New People’s Army o NPA.
Ayon kay Joshua Sagdullas, spokesman ng Bayan – Eastern Visayas, hindi lamang ang mga target ang matatakot sa kautusan kundi maging ang mga miyembro ng iba’t ibang legal organization.
Maaari din anyang isagawa ang “manhunt” laban sa sinumang kumokontra sa Duterte administration.
Samantala, inihayag naman ng Cordillera People’s Alliance sa Baguio City na ang utos ng Pangulo na barilin ang mga rebelde ay peligroso para sa mga left – wing groups na inakusahang front umano ng NPA.