Mariing tinutulan ni Vice President Leni Robredo ang shoot to kill order ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga miyembro ng CPP-NPA.
Ayon kay Robredo, kahit pa mga rebelde ay hindi maaaring basta na lamang patayin sapagkat malinaw itong paglabag sa konstitusyon.
Itinatalaga ng Saligang Batas na dumaan sa due process at mapatawan ng kaukulang kaparusahan ang sinumang nagkasala.
Posibleng hindi na umiral ang rule of law kung susundin ang utos ng pangulo na magdudulot naman ng kaguluhan.
Matatandaang nagbigay ng shoot to kill order si Pangulong Duterte sa mga sundalo para sa mga miyemrbo ng New People’s Army o NPA matapos na tuldukan ang usapang pangkapayaan sa dalawang panig.
—-