Nag-issue na si Pangulong Rodrigo Duterte ng “shoot to kill” order laban sa mga miyembro ng New People’s Army (NPA).
Ito’y matapos ang panibagong pag-atake ng mga rebeldeng komunista na ikinasugat ng tatlong pulis at isang sibilyan sa bayan ng Magallanes, Sorsogon kahit may idineklarang ceasefire ang NDF-CPP-NPA.
Sa kanyang talumpati sa Barangay Summit on Good Governance Region 11 sa Davao City, inihayag ni Pangulong Duterte na itinuturing na lamang na pangkaraniwang kriminal ang mga rebeldeng komunista na dapat patayin sa halip na kaawaan.
Ayon sa pangulo, hindi na rin siya tatanggap ng mga surrenderee mula sa NPA sa mga susunod na panahon dahil sa patuloy na pag-atake kahit may tigil putukan.
“Wala nang surrender…surrender because you are cruel and brutal people. You do not deserve mercy pati yung mga babae aatakihin ninyo.” Pahayag ni Duterte.