Tahasang ipinag-utos ni Kazakhstan President Kassym-Jomart Tokayev sa militar ang agarang pagpatay sa mga kasali sa mga kilos protesta.
Kasunod na rin ito ng mag iisang linggo nang magulo at madugong mga pagkilos sa Kazakhstan dahil sa pagtaas ng presyo ng langis.
Nasa 18 sundalo na at halos 30 armadong kriminal na ang nasawi sa mga naturang kilos protesta.
Samantalang nasa mahigit 3,000 katao na ang ikinulong ng mga otoridad.