Gumulong na ang camera para sa unang pagtatambal nina Sarah Geronimo at James Reid para sa pelikulang “Miss Granny”.
Ibinahagi ng direktor ng pelikula na si Direk Joy Bernal na naka apat na araw na silang nag so – shooting at sa pagpasok ng taon ay tuloy- tuloy na.
Nagkaroon pa aniya ng adjustment ang dalawa lalo’t ito ang unang pagkakataon na magkakatambal at magkakatrabaho ang dalawa.
Inaabangan naman ang magiging reaksyon ng mga solid JaDine fans sa magiging pelikula ni James minus ang kanyang real love team na si Nadine Lustre.