Nagsimula nang mag – shooting ang Hollywood actor na si Steven Seagal sa Vigan, Ilocos Sur para sa bagong TV series nito.
Noong Miyerkules ay kinunan ang ilang mga bahagi ng TV series na “General Commander” sa sikat na Calle Crisologo na isa sa mga tanyag ng tourist spot sa vigan.
Kasama ng Hollywood actor ang asawa nitong si Elle Seagal na siya ding gaganap na kanyang asawa sa karakter na kanyang gagampanan.
Ayon kay Ilocos Sur Governor Luis Chavit Singson, makatutulong sa paglago ng turismo ng bansa ang naturang shooting para makilala ang Pilipinas sa buong mundo.