Pinatitigil ng Food and Drug Administration (FDA) ang dalawang online stores sa pagbebenta ng mga gamot.
Kasunod na rin ito nang pagsisilbi sa Shopee at Lazada ng summons with preventive measure order (SPMO) ng regulatory enforcement unit ng FDA.
Sa ilalim ng SPMO, inaatasan ang Shopee at Lazada na agarang magpatupad ng cease and desist order sa online selling at pag-aalok ng drug products hanggat walang license to operate na nakukuha ang dalawang online stores mula sa FDA.
Bago ito ay nagpalabas ang FDA ng advisory noong June 11 at binabalaan ang publiko laban sa online na bentahan ng mga gamot lalo na ng antibiotics at steroids.
Sinabi ng FDA na ang mga gamot na nabibili online ay maaring hindi sumailalim sa pagsusuri at maaaring hindi mabuti sa kalusugan ng publiko.