Sa panahon ngayon, mayroon pa bang umaayaw at nagpapalagpas sa mga sale kung saan mabibili ang mga produkto sa mababang presyo? Katulad na lang ng mga customer na nagdagsaan sa isang supermarket sa Cyffylliog na hindi naman pala talaga nag-e-exist.
Kung paano ito nangyari, alamin.
Huling linggo ng December nang bigla na lamang nagdagsaan ang mga mamimili sa aldi supermarket na matatagpuan daw sa tahimik na village ng Cyffilliog sa Denbighshire, Wales.
Ito ay matapos madiskubre ng mga shopper sa social media na magkakaroon ng malawakang sale sa nasabing branch.
Makakatipid na sana ang mga shopper para sa kapaskuhan, pero ang problema, wala pala talagang branch ng Aldi Supermarket sa Cyffylliog!
Ang dahilan pala kung bakit napunta ang mga biktima sa Cyffilliog ay dahil sa isinagawang prank ng mga internet troll na paglalagay ng nasabing branch sa Google Maps.
Dahil sa prank, hindi lamang shoppers ang naloko ng internet trolls dahil ayon sa mga residente, mayroon daw dumating na delivery men na naghatid ng mga grocery sakay ng maraming vans, at mayroon pa raw lalaki na nagsabing unang araw niya sa Aldi Supermarket para magtrabaho bilang tagapaglagay ng mga tinapay sa shelves.
Hindi ito ikinatuwa ng mag residente dahil nakasira raw ito sa araw ng mga nagpuntang shopper na naghahanda pala para sa kapaskuhan.
Dahil diyan, nakipag-ugnayan ang mga residente sa pamunuan ng Aldi Supermarket at matagumpay itong naipatanggal sa Google Maps nito lamang January 4.
Samantala, ang German Supermarket na Aldi ay mayroon nang mahigit 12,000 branches ngunit sinabi ng kanilang spokesperson na wala sa plano nila ang magpatayo ng branch sa Cyffilliog.
Ikaw, ano ang gagawin mo kung ikaw ang nabiktima ng scam nito?