Hawak na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang short list ng Judicial and Bar Council o JBC na pagpipilian para sa susunod na magiging punong mahistrado ng Korte Suprema.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, masusing pag-aaralan ni Pangulong Duterte ang karapat-dapat na maitalagang kapalit ni chief justice Lucas Bersamin.
Kabilang sa pinagpipilian para maging susunod na punong mahistrado sina Associate Justices Diosdado Peralta, Estela Perlas Bernabe at Andres Reyes Jr.
Batay sa isinasaad ng konstitusyon, mayroong 90 araw ang pangulo mula October 18, petsa ng compulsary retirement ni chief Justice Bersamin para pumili ng kapalit nito.
Sakali namang wala pang napipili si Pangulong Duterte mula sa shortlist ng mga posibleng kapalit na punong mahistrado sa October 26, pansamantala munang uupo bilang acting chief justice si Associate Justice Peralta.