Namemeligrong maubusan ang inuming tubig ang Iraq bunsod ng tumitinding tagtuyot sa Middle East.
Nagbawas na ng supply ang mga Turkish dam sa Tigris at Euphrates Rivers kaya’t apektado ang irigasyon na nagresulta na sa mababang agricultural production sa buong Iraq.
Ipinag-utos na ni Iraqi Prime Minister Haider Al-Abadi ang deployment ng mga tanker truck upang mag-angkat ng water supply mula sa mga karatig bansa.
Magugunita noong isang linggo ay sumiklab ang tensyon sa pagitan ng Iran at Israel dahil sa tubig.
Lalo namang naghirap ang mga mamamayan ng Syria dahil sa bukod sa nagpapatuloy na digmaan, nahaharap rin ang kanilang bansa sa water crisis.
—-