Naisumite na ng JBC o Judicial Bar and Council sa Malakanyang ang shortlist para sa susunod na punong mahistrado ng Korte Suprema kapalit ng pinatalsik na si dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Pirmado ang transmittal letter ng nasabing shortlist ni JBC acting ex officio chairman at acting Chief Justice Antonio Carpio at mga ex officio members na sina Senador Richard Gordon at Justice Secretary Menardo Guevarra.
Kinakailangan namang makapili na si Pangulong Rodrigo Duterte ng bagong Supreme Court Chief Justice hanggang Setyembre 16 o 90 araw mula ng maalis sa puwesto si Sereno.
Kabilang sa shortlist na pagpipilian ni Pangulong Duterte ang tatlong pinaka Senior Associate Justice ng Supreme Court na sina Teresita Leonardo de Castro, Diosdado Peralta at Lucas Bersamin.
SHORTLISTED: The JBC submitted the ff names to the President for consideration in filling the vacancy in the Office of the Chief Justice:
AJ Teresita J. Leonardo-De Castro (6 votes);
AJ Diosdado M. Peralta (6 votes);
AJ Lucas P. Bersamin (5 votes). pic.twitter.com/V5gVVcGegI— Supreme Court PIO (@SCPh_PIO) August 24, 2018
Isang private individual, naghain ng petition laban sa JBC shortlist sa susunod na CJ
Samantala, tinutulan ng isang pribadong indibiduwal ang ipinalabas ng Judicial and Bar Council na shortlist o listahan ng pagpipilian para sa magiging susunod sa Supreme Court Chief Justice.
Sa inihaing petisyon ng nasabing complainant, iginiit nito na hindi dapat isama sa JBC shortlist sina Associate Justices Teresita Leonardo de Castro, Diosdado Peralta at Lucas Bersamin dahil may nakabinbing kaso laban sa mga ito.
Gayunman, nilinaw ni JBC ex officio member Justice Secretary Menardo Guevarra, walang epekto sa nominasyon ng tatlong senior Associate Justice ng isinampang impeachment complaint laban sa mga ito.