Hawak na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang shortlist ng mga asian pathology expert na bubuo sa 3-man panel na magsasagawa ng pagsusuri kaugnay sa mga batang naturukan ng anti – degue vaccine na Dengvaxia.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, mismong si Health Secretary Francisco Duque III ang nagsumite ng shortlist kay Pangulong Duterte.
Aniya, apat na eksperto mula sa Vietnam, Thailand, Singapore at Sri Lanka ang kabilang sa pagpipilian ni Pangulong Duterte kung saan tatlo dito ang pipiliin ng punong ehekutibo na bubuo sa Dengvaxia panel.
Sinabi pa ni Roque, sapat ang nakalaang pondo para sa pag-iimbita ng mga eksperto mula sa ibang bansa.