Hinimok ng United Nations General Assembly ang mga member country at iba pang grupo na magsumite na ng shortlist ng mga kandidato sa pagiging susunod ng UN Secretary-General.
Ito’y makaraang ipako na ng 11 current contenders ang kanilang interes na maging susunod na UN Chief kapalit ni Ban-Ki Moon.
Alinsunod sa UN charter, ang Secretary-General ay pinipili ng General Assembly sa rekomendasyon ng 15-member security council kung saan kabilang ang limang permanent members na US, Russia, China, Britain at France na may veto power sa mga kandidato.
Kabilang sa mga kandidato para sa pinakamataas na diplomat posisyon sa mundo ang sina Argentinian Foreign Minister Susana Malcorra at Slovakian Foreign Minister Miroslav Lajcak.
By Drew Nacino