Handa na ang shortlist ng Judicial and Bar Council o JBC para pagpilian ng Pangulong Rodrigo Duterte sa bakanteng puwesto sa Court of Appeals (CA).
Kabilang sa mga pagpipiliang magiging kapalit ni Associate Justice Leoncia Dimagiba sina Las Piñas Judge Emily Alinio – Geluz, Manila Regional Trial Court (RTC) Judge Maria Celestina Cruz – Mangrobang at Quezon City Judge Angelene Mary Quimpo – Sales.
Kasabay nito, ipinabatid ng JBC na bukas ang kanilang tanggapan para sa application o nomination hanggang Pebrero 13 para maging kapalit ni CA Associate Justice Romeo Barza na itinaladang Presiding Justice ng Appellate Court.