Itinanggi ni DILG Secretary Eduardo Año na nagsumite na siya ng shortlist sa Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa susunod na PNP Chief.
Kasunod ito ng pahayag ni Presidential Spokesman Harry Roque na hawak na ng Pangulo ang shortlists at inaasahang i-aanunsyo kung sino ang bagong hepe ng PNP.
Sinabi ni Año na sa huling linggo pa ng Oktubre siya magsusumite ng shortlist sa Pangulo kung saan pagbabatayan ang seniority, merit at service reputation ng kandidato.
Subalit ayon sa source ng DWIZ patrol, ilan sa mga matutunog sina Deputy Chief For Administration Lt/Gen. Joselito Vera Cruz, Deputy Chief For Operations Lt/Gen. Ephraim Dickson, Chief Of The Directorial Staff Lt/Gen. Dionardo Carlos at NCRPO Director Police Major Gen. Vicente Danao Jr.—mula sa ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)