Nagbigay na ng show cause order ang Department of Education (DepEd) laban sa public school teacher na nag-viral matapos nitong manermon sa kanyang mga estudyante habang naka-live sa isang video-sharing platform.
Ayon kay DepEd Assistant Secretary Francis Bringas, inutusan na ng DepEd regional office ang guro na ipaliwanag ang kanyang naging aksyon sa naturang insidente.
Binigyan ng ahensya ang guro ng 72 hours upang sagutin ang show cause order.
Nagpaalala naman si Asec. Bringas na maging responsable at sundin ang mga umiiral na polisiya sa paggamit ng social media.