Binawi na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang show cause order kay Manila Mayor Isko Moreno ukol sa iligal na droga sa lungsod nuong 2018.
Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, hindi para kay Moreno ang nasabing show cause order dahil para sa taong 2018 ito at ang kasalukuyang alkalde ay nahalal nuong 2019.
Sinabi naman ni DILG Spokesperson at Undersecretary Jonathan Malaya, “honest mistake” ang nangyaring pag-isyu ng show-cause order kay Moreno.
Nilinaw ni Malaya na wala itong halong pulitika, kasabay ng paghingi ng tawad sa alkalde.
Nakasaad sa show cause order na bigo si Moreno na makapag-comply sa mga polisiya ng Anti-drug Abuse Council nuong 2018.
Samantala, wala pang pahayag ukol dito si dating Manila Mayor Joseph Estrada na alkalde nuong 2018.