Sinampahan ng kaso ng Showtime ang Top Rank dahil sa hindi nito pagbabayad ng obligasyon sa isinagawang laban nina Floyd Mayweather at senator-elect Manny Pacquiao noong nakaraang taon.
Batay sa reklamo, mula May 12, 2016 ay nasa $686,753.07 dollars o mahigit P30 million pesos kabilang na ang interest ang hindi pa nababayaran ng Top Rank Inc. (TRI) sa Showtime Network Inc. (SNI).
Sa isinampang reklamo sa New York Federal Court, kasama din ang HBO na nagpalabas sa laban ang magsasampa ng kaso sa TRI.
Sa ngayon, hinihintay pa ng Showtime ang komento ng Top Rank kaugnay ng kaso.
By Mariboy Ysibido