Nagpahayag ng interes ang Showtime Sports na i-cover ang posibleng bakbakan sa pagitan nina eight division Manny Pacquiao at Jeff Horn ng Australia sa Abril.
Ayon kay Showtime Sports Executive Vice President at General Manager Stephen Espinoza, handa silang makipagtulungan kay Top Rank CEO Bob Arum kung bibigyan ng pagkakataon na mai-ere ang laban ng pambansang kamao sa halip na sa pay-per-view.
Sinabi ni Espinoza na magandang alok ito lalo’t mula sa kanilang kampo lalot hindi na gaanong kumikita ang pay-per-view ngayon sa Estados Unidos.
Bagama’t hindi pa batid ng showtime ang kalibre ni Horn, tiwala naman itong magiging maganda ang kalalabasan ng laban.
By Ralph Obina