Uubra nang magsumite ng aplikasyon simula ngayong araw na ito ang mga mag a avail ng Senior High School Voucher Program (SHSVP)ng Department of Education (DepEd).
Kabilang sa mga requirements para sa application sa Senior High Voucher ang pinakahuling 2×2 colored ID photo ng estudyante, patunay ng financial means ng mga magulang o guardian, pirmadong parent consent form para sa mga applicant na labing walong taong gulang pababa at certificate of financial assistance mula sa junior high school kung applicable.
Ang deadline ng application ay itinakda sa July 24 subalit maaaring isumite ang mga dokumento hanggang October 30.
Ipinaalala ng DepEd na ang mga sumusunod na Grade 10 completers ng school year 2019-2020 ay otomatikong kuwalipikado para sa voucher program at hindi na kailangang mag apply ay mula sa DepEd public schools, state universities and colleges at ESC grantee mula sa private schools.