Dapat gamitin ang pondo ng Malampaya Fund na kinikita mula sa Royalty Fee.
Iginiit ito sa programang Balita Na Serbisyo Pa ng DWIZ ni Senate Committee on Energy Chairman Sherwin Gatchalian sa layuning mapababa ang singil sa kuryente sa gitna ng inaasahang maintenance shutdown ng Malampaya Power Plant.
Pahayag ni Sen. Sherwin Gatchalian
Sinabi ni Gatchalian na magtatakda siya ng pagdinig patungkol sa Epira Law dahil may kwestyon siya tungkol sa cross ownership.
Pahayag ni Sen. Sherwin Gatchalian
Kasabay nito, ipinabatid ng Senador na maghahain siya ng resolusyon para malaman kung bakit pinayagan ang pitong power plant na mag-shutdown ng sabay-sabay.
Pahayag ni Sen. Sherwin Gatchalian
By: Meann Tanbio