Nilinaw ng AFP o Armed Forces of the Philippines na posibleng si Abdullah at hindi si Omar Maute ang natitirang huling miyembro ng Maute brothers sa Marawi City.
Ayon kay AFP Spokesman Brigadier General Restituto Padilla, naniniwala sila na napatay na ng kanilang hanay sa bakbakan noong nakalipas na linggo si Omar.
Ito pong si Omar Maute sa magkakapatid po na pito (7), naniniwala po kami na dun sa mga magkakapatid na ‘yan iisa na lamang po ang naititra.
Maaari pong si Abdullah na lang, itong si Omar ay pumanaw na sa mga nangyaring bakbakan nitong mga nakaraang mga linggo.
Nauna rito, ipinaabot ni dating Marawi City Mayor Omar Solitario sa pamahalaan na plano ng Maute na pakawalan na ang kanilang bihag ngunit dapat na palayain muna ang mga teroristang nanatiling kalaban ngayon ng tropa ng pamahalaan sa lungsod.
Ngunit giit ng gobyerno, hindi nila papayagan ang anumang negosasyon sa pagitan ng mga terorista.
‘Yun po ang naiiwang buhay pa at ang atin pong narinig eh itong mga nakaraang mga araw ay pumasok hoi tong dating Mayor ng Marawi City na si Ginoong Solitario na siyang nagsabi na kanya pong sinsikap na makipag-negotiate pero tulad po ng ating nabanggit noong nakaraang araw pa na nagkaroon na po tayo ng anunsyo na na hindi po natin pagbibigyan ang anumang klaseng negosasyon dahil huli na po ang mga pagkakataong naibigay natin.
Noong araw pa po natin ito binigay pero hindi nila pinansin.