Hindi magpapauto si Pangulong Rodrigo Duterte sa hamon sa kaniya ni Senador Antonio Trillanes na pumirma ng waiver para isapubliko ang kaniyang mga yaman.
Ito’y kasunod ng pahayag ng senador na dapat lumagda rin ng waiver ang Pangulo hinggil sa detalyadong bank accounts nito sa BPI na kaniyang ibinunyag noon pang panahon ng kampaniya.
Ayon sa Pangulo, nagbigay na siya ng SPA o Special Power of Attorney sa ngayo’y Presidential Chief Legal Counsel Atty. Salvador Panelo para maisapubliko ang sinasabing account niya sa naturang bangko.
Giit pa ng Pangulo, si Trillanes aniya ang naghahanap ng butas laban sa kaniya kaya dapat ito aniya ang dapat magtrabaho at hindi siya.
SMW: RPE