Nagbukas nang muli ang Siargao sa mga turista matapos ang ilang buwang lockdown bunsod ng banta ng COVID-19.
Ang mga turistang magtutungo sa Siargao ay kailangang dumaan sa health center para kumuha ng kaukulang dokumento na iche-check ng mga lokal na otoridad.
Karamihan sa mga unang batch na nakalipad sa pagbubukas ng Siargao ay mga residente ay empleyado ng isla.
Kaugnay nito umaasa ang lokal na pamahalaan na makakabawi rin ang mga negosyo sa kanilang lugar ngayong nagsimula nang bumangon ang isla.