Bubuksan na rin sa mga tourista ang isla ng Siargao.
Ito ang kinumpirma ng Department of Tourism (DOT) matapos ang walong buwang pagsasailalim sa lockdown sa maraming lugar sa bansa dahil ng COVID-19 pandemic.
Kasabay nito, tiniyak ng DOT na mahigpit pa ring paiiralin dito ang minimum health protocols sa mga turistang bibisita sa tinaguriang surfing capital ng Pilipinas.
Epektibo ang pagtanggap ng mga lokal na bisita sa Siargao sa Lunes, Nobyembre a-23 .
Una nang binuksan ang isla ng Boracay sa aklan bagama’t limitado pa rin ito sa mga lokal na turista.