Plano na ring isailalim sa rehabilitasyon ng gobyerno ang tinaguriang surfing destination ng Pilipinas na Siargao island.
Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, ikinakasa na nila ang mga ilalatag na plano para sa naturang hakbang.
Tiwala naman siyang magiging madali para sa gobyerno na linisian ang Siargao dahil bukas naman ang lahat ng stakeholders dito para makipagtulungan.
Maliban dito, nangangailangan din ng rehabilitasyon ng Siargao lalo’t ito ang dinagsa ng mga turista nang ipasara sa loob ng anim na buwan ang isla ng Boracay.