Muling umapaw ang Siaton River sa Negros Oriental na ikinabahala ng mga residente ng nasabing lugar.
Batay sa ulat, Biyernes ng gabi tumunog ang siren, hudyat na umabot na sa critical level ang naturang ilog.
Sapilitan namang lumikas ang mga residenteng nakatira sa low-lying areas patungo sa pinaka-malapit na paaralan.
Binaha rin ang Siaton District Hospital, dahilan para mahirapan itong makapagbigay ng agarang tulong sa mga pasyente.
Apat na lugar naman sa Siaton ang hindi madaanan bunsod ng landslides na tumama sa lugar.
Bukod sa Siaton, apektado rin ang Bayawan City at Basay town.
Samantala, nasa 374 na pamilya ang inilikas kagabi dahil sa malakas na pag-ulan na nagdudulot ng matinding pagbaha dahil sa bagyong Paeng. —mula sa panulat ni Hannah Oledan