Nagpapasaklolo na sa gobyerno ang mga magsasaka sa Occidental Mindoro sa labis na pagkalugi sa mga tanim nilang sibuyas.
Sa ngayon ay nasa P8 hanggang P12 na lang ang farm gate price ng kada kilo ng local na sibuyas.
Ipinaliwanag ng provincial agriculture office ng Occidental Mindoro na sobra ang suplay ng sibuyas hindi lang sa Mindoro at marami rin ang nagtanim sa Northern Luzon.
Punong-puno na rin ng mga imported na sibuyas ang mga storage facility kaya tumigil na ang mga buyer sa pagbili ng lokal na sibuyas.
Umapela naman si Occidental Mindoro governor Eduardo Gadiano sa national government, partikular sa Department of Agriculture na i-regulate o importasyon gayong marami ang lokal na produksyon.
Bukod dito ay hiniling din ni Gadiano sa DA ang pagpapatayo ng karagdagang cold storage facility.