Ipinagmalaki ng aktor na si Sid Lucero na balik-showbiz na ito makaraang tumigil sa pag-arte ng halos 2 taon dahil sa bisyong pag-inom.
Inamin ni Lucero na isang matagal na proseso ang pagpapagaling makaraang tanggapin nito sa sarili na sakit niya ang pag-inom ng alak at buong buhay niya itong gagamutin.
Gayunpaman, itinanggi ni Lucero na nagpa-rehab ito.
Sa ngayon, aniya, ay nakakaya niyang hanggang apat na bote na lamang ang inumin, hindi tulad dati na wala itong pakialam sa kung kahit ilan abutin.
By: Avee Devierte