Tila sunod sunod nga ang pagkilalang natatanggap sa labas ng bansa ng mga artistang pinoy.
Pinakahuli nga dito ay ang actor na si Sid Lucero na itinanghal bilang best actor sa 19th Los Angeles comedy festival awards.
Ito ay para sa ginampanang papel ni Sid sa independent film na “Toto” na pinarangalan din bilang best foreign film.
Ang “Toto” ay sa ilalim ng direksyon ni John Paul Su na tungkol sa istorya ng buhay ni Antonio Toto Estares na ginampanan ni Sid na gagawin ang lahat para sa pangarap niyang makapag-Amerika.
Una rito, tinanghal na best actress ng Cannes Film Festival si Jacklyn Jose habang best actor award naman ang nasungkit ni Jake Cuenca sa 2016 World Cinema Festival sa Brazil.
By: Ralph Obina