Nagbalikan na ang mga sidewalk vendors sa Baclaran matapos paalisin noong nakaaraang linggo dahil sa APEC Summit.
Puno na naman ng mga vendor ang paligid ng Redemptorist Church na pinaalis ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Parañaque police noong summit para maiwasan ang pagsisikip ng trapiko.
Ang paligid ng simbahan ay bahagi ng mga itinalagang Mabuhay Lanes, subalit hindi madaanan ng mga sasakyan dahil sa mga naglipanang vendors.
Paliwanag naman ng mga sidewalk vendors, kailangan nilang bumalik sa pagtitinda para makabawi sa kita lalo’t isang buong linggo silang nalugi dahil mistulang sarado ang buong Baclaran noong APEC week.
By Jelbert Perdez | Allan Francisco