Hindi pa rin napupuksa ang ebola virus sa Sierra Leone.
Ito’y matapos mag-positibo sa naturang karamdaman ang isang bagong panganak na Ginang doon.
Dahil dito, isinailalim agad sa quarantine ang 3 doktor at 28 nurse sa kapitolyo ng Freetown.
Sinasabing dinugo ang Ginang kaya’t inilipat ito sa emergency ward ng isang ospital at doon nakumpirmang dinapuan ito ng ebola virus.
By Jelbert Perdez