Hinimok ng OCTA research group ang pamahalaan na agad resolbahin ang hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng PhilHealth at Philippine Red Cross (PRC).
Ito ay dahil malaki anila ang naging epekto ng pagtigil ng testing operation ng red cross kung saan nabawasan ng 40 hanggang 50% ang naiuulat na kaso ng COVID-19 sa NCR, Cavite, Laguna at Batangas.
Ayon sa OCTA research group, maituturing na baldado ang programa ng pamahalaan para sa isolation, quarantine at contact tracing kung wala ang testing facilities ng PRC.
Ito anila ay dahil hindi agad matukoy ng mga lokal na pamahalaan kung sino ang mga infected at hindi ng COVID-19.
Sinabi ng octa na batay sa pinakahuling datos ng doh nasa point 63% ang reproduction rate sa NCR pero posibleng nasa .72 ang aktuwal na numero kasunod ng tumigil na testing service ng red cross.