May nakikitang solusyon ang isang propesor ng Unibersidad ng Pilipinas para maresolba ang territorial dispute sa South China Sea.
Ayon kay Joefe Santarita, Dean ng UP Asian Center, mas mainam na magkaisa ang mga bansang umaangkin sa teritoryo sa naturang karagatan na magbahaginan ng likas yaman.
Binigyang diin pa ni Santarita na lalong nakapagpapainit ng tensyon sa nasabing karagatan ang pagbubuo ng artipisyal na isla ng China.
Tulad aniya ng ibang anyong tubig, higit na nangangailangan ng ibayong pansin ang West Philippine Sea at kailangan itong pagsumikapang pagtulungan ng mga bansang nakapaligid dito.