Iginiit ni Laguna 1st district representative Dan Fernandez na dapat ay mayroong mas mahigpit na sign in feature ang mga social media platforms
Aniya, ito ay para masiguro na hindi baba sa 18 taong gulang ang edad ng gumagamit.
Inirekomenda rin ng mambabatas na magkaroon ng facial recognition o kaya ay pagpresenta ng governement ID bago mapasok ang kanilang platform.
Ang dami nang mga features ngayon na nababago, so, bigyna nila ng isang stricter features na kung saan pu-pwedeng magkaroon ng parang facial recognition, tapos presentation ng government issued ID, things like that na magiging more stricter,” ani Fernandez.
Sa ilalim din ng panukala ni Fernandez ay magkakaroon ng mandato ang d-i-c-t o department of information and communications technology at d-o-h o department of health.
We are mandating the DICT na mag-conduct ng monitoring para maimbitahan natin ‘tong social media platform na ‘to ng sa ganun magkaroon sila ng more restrictions doon sa mga papasok at magsa-sign in sa kanilang platform. At ang DOH din natin ita-tasking natin sila na magkaroon sila ng data gathering para maimbestigahan ano-ano ang nagiging cause ng addiction sa social media ng mga tao, ” ani Fernandez. — sa panayam ng DWIZ Connect.