Isinusulong ngayon sa Senado ang pagkakaroon ng sign language sa mga hearing at session para sa mga PWD o persons with disabilities.
Sa ilalim ng inihaing Senate Resolution No. 480 ni Senador Nancy Binay, nakasaad dito na mahalagang maipatid din sa mga may kapansanan sa pandinig ang takbo ng mga pagsisiyasat sesyon sa Kongreso partikular na sa mga importanteng isyu sa ating bansa.
Suportado naman ng iba pang senador ang naturang panukala ni Binay.
Nauna rito, umani ng positibong reaksyon ang inilagay na sign language interpreters sa SONA o State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte.
By Arianne Palma