Bumilis pa ang bagyong Carina na kumikilos patungong hilagang-kanluran sa bilis na 15 kilometro kada oras.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) huling namataan ang bagyo sa layong 155 kilometro Silangan ng Catarman, Northern Samar.
Nakataas pa rin ang storm signal number 1 sa 7 lugar sa bansa kabilang na ang Catanduanes, Camarines Sur, Albay, Sorsogon, Northern Samar, Eastern Samar at Samar.
Nagbabala naman ang PAGASA ng posibleng flashfloods at landslides sa mga nabanggit na lugar gayundin sa Camarines Norte at Masbate.
Pinapayuhan din ang mga mangingisda na iwasan muna ang pumalaot partikular sa bahagi ng Luzon at Visayas eastern seaboard.