Bahagyang lumakas ang bagyong Lando habang tinutumbok ang Aurora-Isabela area.
Ang bagyo ay namataan sa layong 670 kilometro sa silangan ng Baler, Aurora.
Taglay nito ang lakas ng hangin na umaabot sa 120 kilometro bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong umaabot sa 150 kilometro kada oras.
Kumilos naman ito ng pa-kanluran sa bilis na 15 kilometro bawat oras.
Dahil dito, itinaas na ng PAGASA ang public storm warning signal number one sa Isabela, Cagayan, Quirino, Aurora, Quezon Province, Polillo Island, Camarines Norte, Camarines Sur at Catanduanes.
Samantala, kanselado na ang klase sa pre-school sa mga sumusunod na probinsya:
1. Isabela
2. Cagayan
3. Kalinga
4. Mt. Province
5. Ifugao
6. Nueva viscaya
7. Quirino
8. Aurora
9. Nueva ecija
10. Quezon, kabilang ang Polillo Island
11. Camarines norte
12. Camarines Sur
13. Catanduanes
By Jelbert Perdez