Nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Signal Number 1 sa ilang lugar sa Extreme Northern Luzon dahil sa binabantayang bagyong Siony.
Batay sa Severe Weather Bulletin ng PAGASA, napanatili ng Bagyong Siony ang lakas nito habang mabagal na kumikilos sa bahagi ng Philippine Sea sa direksyong pakanluran.
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 670 km Silangan ng Basco, Batanes.
Taglay nito ang pinakamalakas na hanging umaabot sa 95 km/h at pagbugsong umaabot sa 115 km/h.
Sa pagtaya ng PAGASA, inaasahang dadaan o lalapit ang bagyong siony sa bahagi ng Batanes o Babuyan islands sa Biyernes ng umaga at posibleng lumabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa hapon o gabi.
Sa kasalukuyan, nakataas ang Signal Number 1 sa Batanes, hilagang silangan ng mainland Cagayan at Silangang bahagi ng Babuyan Islands.
Dagdag ng PAGASA, malaki ang posibilidad na mas lumakas pa ang bagyong Siony at itaas ang tropical cyclone wind signal #3 sa bahagi ng Batanes at Babuyan Island.